Unang Pahina

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mau Marcelo Philippine idol.jpg

Isang Pilipinang mang-aawit si Maureen "Mau" Flores Marcelo (ipinanganak noong Mayo 13, 1980) na nakilala nang nagwagi sa Philippine Idol, na prankisa ng mga seryeng idol ng FremantleMedia at ipinalabas sa Pilipinas sa estasyong pantelebisyon na ABC. Tinagurian siyang "Soul Idol" at ang "black belter" (mambibirit) ng kompetisyon dahil sa kanyang estilong R&B sa pagkanta. Tinawag din siyang "The Diamond Diva" (Ang Diamanteng Babaeng Mang-aawit) matapos ng kanyang pagtanghal ng "Diamonds Are Forever" ni Shirley Bassey noong Linggo ng mga Temang Pampelikula at Pangmusikal na lubusang pinalakpakan ng mga manonood. Naging kilala rin siya sa bansag na Samantha Brown, hango sa apelyido ng kanyang ama. Siya rin ang naging kinatawan ng Pilipinas sa Asian Idol, na ginanap sa kalagitnaan ng Disyembre 2007 sa Lungsod ng Jakarta sa Indonesia. Isang Amerikanong mamamayan mula Puerto Rico ang kanyang ama, na may dugong Aprikano at Kastila habang Pilipina ang kanyang ina. Iniwan sila ng kanyang ama noong apat na buwang gulang pa lang siya, habang namatay ang kanyang ina noong siya ay 14 na taong gulang. Mayroon siyang kapatid sa labas mula sa kanyang ina at tatlo pang kapatid sa labas mula sa kanyang ama. Madalas siya kutsyain at tuksuhin noong bata dahil sa kanyang maitim na balat, dahilan ng kanyang takot na pumasok sa paaralan.

BLM mural in Greenpoint (35406p).jpg

Ang Black Lives Matter (BLM, lit. na 'Mahalaga ang Buhay ng [Lahing] Itim') ay isang desentralisadong kilusang pampulitika at panlipunan na naglalayong itampok ang diskriminasyon ng lahi, at hindi pagkakapantay-pantay ng lahi na nararanasan ng mga taong may lahing itim. Kapag nagsasama-sama ang mga tagasuporta ng kilusang ito, ginagawa nila ito bilang protesta laban sa mga insidente ng brutalidad ng pulisya at karahasang udyok laban sa mga taong may lahing itim. Nagsimula ito kasunod ng pagpatay kina Trayvon Martin, Michael Brown, Eric Garner, Pamela Turner at Rekia Boyd, bukod sa iba pa. Tipikal na tinataguyod ng kilusan at mga kaugnay na mga organisasyon nito ang iba't ibang pagbabago sa polisiya na tinuturing may kaugnayan sa pagpapalaya sa mga taong may lahing itim. Habang may mga tukoy na samahan tulad ng Black Lives Matter Global Network na tinatakan ang sarili bilang "Black Lives Matter", ang kilusang Black Lives Matter ay binubuo ng isang malawak na hanay ng mga tao at mga organisasyon. Nananatili ang slogan o sawikain na "Black Lives Matter" mismo na hindi nakatatak-pangkalakal ng anumang pangkat.

May-akda ng larawan: Rhododendrites

Leila de Lima (cropped).jpg
  • Pinirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Batas Republika 11934, ang batas sa pagrerehistro ng SIM kard ng mga teleponong selular sa Pilipinas, na naglalayong sugpuin ang mga spam sa mensaheng text at mga panloloko.
  • Ginawaran ang mga Amerikanong sina Ben Bernanke, Douglas Diamond at Philip H. Dybvig ng Memoryal na Premyong Nobel sa mga Agham Ekonomika "para sa pananaliksik sa mga krisis sa bangko at pananalapi".
  • Tatlong nakadetine sa Sentro ng Kustodiya ng Kampo Crame ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas ang tangkang tumakas at sinugatan ang isang pulis. Napatay ang dalawa habang ang isa naman ay panandaliang binihag si dating Senadora Leila de Lima (nakalarawan) subalit napatay din ang nagbihag at naging ligtas si De Lima.
  • Panahon ng bagyo sa Atlantiko ng 2022: Lumapag ang Bagyong Julia sa magdamag sa Laguna de Perlas, Nicaragua. Nagdulot ito ng isang pagguho ng lupa sa nakalipas na araw dulot ng malakas na ulan na kinitil ang hindi bababa sa 22 katao sa Santos Michelena, Venezuela.
  • Namatay ang tatlong katao nang tumaob ang bangkang panturista na yari sa kahoy, na naglalaman ng 14 katao sa Gdańsk, Polonya.

Mula sa mga pinakabagong artikulo ng Wikipedia:

วัดพระศรีรัตนศาสดารามและพระบรมมหาราชวัง เขตพระนคร กรุงเทพมหานคร (51).jpg

Disyembre 6

Newfoundland at Labrador

Mga huling araw: Disyembre 5Disyembre 4Disyembre 3

Ngayon ay Disyembre 6, 2022 (UTC) – Sariwain ang pahina
  • Cup-o-coffee-simple.svg Kapihan – Puntahan ng pamayanan ng mga patnugot upang talakayin ang mga pangkalahatang paksa o tanong tungkol sa mga alalahanin sa at iba pang aspeto ng Tagalog na Wikipedia.
  • Cscr-featured.svg Napiling Artikulo – Pahinang lapagan para sa mga tinampok na artikulo sa Tagalog na Wikipedia.
  • Cscr-candidate.svg Nominasyon ng mga Napiling Nilalaman – Pahina sa pagnomina ng mga itatampok na artikulo at larawan.
  • Admin mop.PNG Tagapangasiwa – Pahina tungkol sa pangkalahatang impormasyon sa mga tagapangasiwa ng Tagalog Wikipedia at kung paano makikipag-ugnayan sa kanila.

Crystal Clear app email.png   Embahada at koordinasyong multilingguwal   Crystal Clear app email.png

Ambasada · Ambasciata · Ambassad · Ambassade · Botschaft · Embaixada · Embahada · Embajada · Embassy · 大使館

Koordinasyong multilingguwal · Paano magsimula ng isang Wikipedia

Pinapaandar ang Wikipedia ng Pundasyong Wikimedia, isang di-kumikitang organisasyon na pinapatakbo din ang iba pang mga proyekto: